Local filmmakers tampok sa Pelikultura 2025

Ulat ni Maegan Abigail Punzalan

Ibinida sa taunang Pelikultura 2025 : The CALABARZON Film Festival ang mga independent films ng mga local filmmakers mula sa Timog Katagalugan at Los Baños. Ginanap ito sa UPLB Makiling Film Lab at CAS Auditorium nitong Nobyembre 5-7, 2025. Tumalakay sa mga napapanahong isyu ang mga likhang pelikula sa nasabing film festival. Layunin nitong magbigay kamalayan sa mga mamamayan sa buhay at mga karanasan ng iba’t ibang sektor ng lipunan at ipakita ang kultura at tradisyon ng rehiyon.

Tampok sa unang araw ang “Kisapmata” ni Mike De Leon at “Bloom Where You Are Planted” sa direksyon ni Noni Abao na nagwaging Best Full Length Film sa Cinemalaya 2025.

This slideshow requires JavaScript.

Binubuo ng tatlong kategorya ang Pelikultura ngayong taon. Kabilang dito ang BuhayElbi, na bukas sa filmmakers na nagtatampok ng mga karanasan sa komunidad ng Los Baños, pati na rin ang Southern Tagalog Shorts Premiere, at iba pang Exhibition Films.

Bukod sa Film Screenings, nag-organisa rin ng mga workshops, journal launch, at post-screening discussions ang ilang pelikula upang mas palawakin pa ang pag-unawa sa mga konseptong nakalahad at maikwento ang proseso ng pagbuo sa mga pelikula.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng UPLB Department of Humanities kautwang ang Film Development Council of the Philippines at Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA).