Ulat ni Angenina Damil
Humataw sa pagpadyak ang mahigit 80 siklista mula Lakewood Subdivision hanggang Municipal Activity Area sa ika-apat na araw ng 24th Bañamos Festival noong Setyembre 19, 2025.
Inaasahan ang mga nalikom sa Padyak LB 2025 ay mapupunta sa dialysis patients ng Los Baños alinsunod sa temang Sulong, Gulong, Tulong.
Sinundan ng hiyawan at suporta ng mga taga-Los Baños ang kalahok ng Padyak LB na nagpamalas ng lakas at tiyaga na tapusin ng karera.
Pinangunahan ito ng opisina ni Vice Mayor Marlo Alipon.
