Mga barangay, nagtagisan sa entablado ng Bañamos Festival

Ulat ni Janzen Razal

Umangat ang sigla at kultura ng Los Baños sa Barangay Night 2025 matapos tanghaling kampeon ang Brgy. Bambang sa Bañamos Barangay Night Cultural Dance Competition na ginanap sa CPP Evacuation Center noong Setymbre 16, 2025. Nakuha naman ng Brgy. Malinta at Brgy. Mayondon ang 1st at 2nd runner-up.

Nagtipon-tipon sa patimpalak ang 14 na barangay ng Los Baños upang ipakita ang kanilang natatanging talento at kasaysayan sa pamamagitan ng makukulay na kultural na sayaw at pagtatanghal.

Bukod sa sayawan, iginawad din ang parangal sa mga kawani at barangay na nagsilbing huwaran ng sipag at dedikasyon sa paglilingkod. Sa kabuuan, naging gabi ito ng sigla, kulay, at pagkakaisa—tunay na nagpatibay sa diwa ng ika-24 na Bañamos Festival.

Mga larawan mula sa Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City/Facebook.

This slideshow requires JavaScript.