Mga lokal na negosyo tampok sa Bañamos Carnival Fair

Ulat ni Arissa Jelina Cuyos

Mga lokal na negosyo ang naging tampok sa Bañamos Carnival Fair na bahagi ng pagdiriwang ng Bañamos Festival 2025 sa General Paciano Rizal Park, Los Baños, Laguna mula Setyembre 16 hanggang 20.

Nakilahok ang iba’t ibang tindahan at food stalls upang ipakita at ialok ang kanilang mga produkto. Hindi rin nagpahuli ang mga game stalls at kainan na nag-alok ng iba’t ibang pagkain, mula sa mga paboritong street food gaya ng kwek-kwek, shawarma, at cotton candy hanggang sa mga bagong food craze.

Kasabay nito, tampok din ang mga paboritong rides gaya ng Ferris wheel, Vikings, at Merry-go-round, habang umagaw ng pansin sa mga bata ang makulay na playground.

Layunin ng Carnival Fair na magkaroon ng lugar ng pagtitipon at pagkakaisa, kung saan bawat pag-ikot ng Ferris Wheel at bawat tawa sa mga palaro ay nagsilbi bilang bahagi ng pagdiriwang ng kasiyahan ng mga Los Bañense.

This slideshow requires JavaScript.