Musika at Sigla: Los Baños, umindak sa Grand Revelry 2025

Ulat ni Sophia Ramilo

Pinuno ng musika at pagtatanghal ang gabi ng Grand Revelry 2025 bilang pangwakas na aktibidad ng ika-24 na Bañamos Festival sa Los Baños noong Setyembre 20 sa Paciano Rizal Park.

Umindak at umawit ang mga tao habang bumirit ang mga kilalang banda tulad ng Color It Red, Orange & Lemons, at si Maki. Hindi rin nagpahuli ang mga lokal na grupo gaya ng Au Revoir, Silakbo, Ashra, Avella, at LivelikeMorty na ipinakita ang galing ng sariling bayan.

Kabilang sa programa ang awarding ng iba’t ibang contests na bahagi ng Bañamos Festival, bilang pagkilala sa husay at talento ng mga kalahok sa iba’t ibang kompetisyon.

Nagbigay rin ng maikling mensahe bilang panauhing pandangal si Senator Risa Hontiveros na binigyang diin ang kahalagahan ng Bañamos sa pagiigtingnan ng komunidad at kultura ng Los Baños.

Layunin ng Grand Revelry na ipakita ang sigla ng sining at musika sa bayan at palakasin ang diwa ng selebrasyon ng Bañamos Festival.

Mga larawan mula sa Municipality of Los Baños- The Special Science and Nature City/Facebook.