Ulat nina Raleign Pia F. Camarillo, Denyll Francine Almendras, at John Kennu E. Astibe

Si Nurse De Paz nang magtrabaho sa Pilipinas (kaliwa) at nang lumipat sa Ireland (kanan). Mga litrato ni Marbie De Paz.
Ito ay una sa dalawang bahaging ulat. Basahin ang pangalawang bahagi.
Nakakapagod, underpaid, at underappreciated—kung susumahin sa mga salita ang danas ng mga nars sa bansa, ganito ilalarawan ni Marbie De Paz ang mga kondisyong kinaharap bilang isang nars sa Pilipinas na ngayon ay nangibang bansa na.
Kabilang siya sa higit 316,000 na lisensyadong mga nars na nag-abroad, ayon sa datos ng ng Department of Health (DOH) noong 2019.
Walong taon na ang nakalipas nang manilbihan si De Paz bilang nars sa Emergency Department ng isang pambublikong ospital sa Antipolo, Rizal. Sa tatlong taong pananatili niya rito, nasubok aniya ang kanyang kasanayan sa pangangalaga ng tao.
“‘Yung overview ko sa nursing career ko doon is very challenging kasi, syempre, I work in a government hospital. So, maraming patients doon… Alam naman natin na ‘yung mga equipment at facilities natin ay hindi naman ganun ka-advanced which is more challenging sa amin,” kuwento ni De Paz.
May kabigatan ang workload ng mga nars sa mga ospital sa kanyang paglalarawan—kaunti lamang ang leave benefits, madalas mag-overtime, at maraming pasyenteng inaasikaso kada duty. Mababa rin ang pasahod sa kanila. Dagdag pa ang kasalatan sa pagkilala sa kanilang serbisyo na makikita sa kung paano ituring ang kanilang trabaho.
“Alam mo ‘yung mga tao na parang ang feeling nila you have to work for them pero hindi nila na-appreciate ‘yung trabaho namin para sa kanila? Parang ang tingin lang nila sa amin ay tauhan talaga nila. Masyadong mababa ‘yung tingin sa mga nars,” aniya.
Ngayon, nagtatrabaho na si De Paz bilang nars sa Ireland.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamalaking bilang ng iniluluwas na nars. Ayon sa pag-aaral, hindi bababa sa 240,000 na mga nars na ang ipinadala sa mga bansa gaya ng Austria, Belgium, Canada, Denmark, France, Germany, at Iceland. Malaki naman ang pangangailangan sa mga nars sa Estados Unidos, United Kingdom, at mga bansa sa Middle East noong 2022. Sa kalakhan, nasa 15,000 hanggang 20,000 ang umaalis na nars kada taon.

Datos mula sa pananaliksik ng ABS-CBN Investigative and Research Group noong 2024; dinagdagan ng 2023 datos mula sa Professional Regulation Commission at datos ni Christy Balita sa Statista noong 2024. View on Flourish.
“Honestly, kasi ‘yung mindset kasi ng Pilipino as a nurse—maraming pera… Parang ‘yung nursing is ‘yung pathway para mag-abroad. ‘Yun ‘yung naka-set [sa akin]. So, since then, nung student ako… ‘yung goal ko, just to be more frank, ay kumuha ng experience sa atin sa Pilipinas at umalis na para sa ibang bansa,” paliwanag ni De Paz sa naging motibasyon sa pag-aabroad.
Maikukumpara ang sahod ng mga Pilipinong nars sa mga lokal na ospital at ang kinikita nila kapag lumabas ng bansa. Isang pag-aaral ukol sa proseso ng pandarayuhan ng mga Pilipinong lakas paggawa noong 2023 ang nagpapakita ng pagkakaiba na ito.

Datos mula sa pananaliksik nina Alvin Ang and Erwin R. Tiongson noong 2023. View on Flourish.
Sa hanay ng mga bansang kalimitang niluluwasan ng mga Pilipinong nars, natukoy na Saudi Arabia ang may pinakamababang pasahod na mahigit kumulang na P720,000 kada taon kung itutumbas sa piso. Gayunpaman, mas malaki pa rin ito sa kita ng mga nars sa Pilipinas (P499,369).
Danas sa CALABARZON
Sinasalamin ng mga danas ni De Paz ang mga reyalidad na kinakaharap ng mga nars sa rehiyong kanyang pinagtrabahuhan—ang CALABARZON. Matutukoy ang mga kondisyon sa lugar na nakakaambag sa mga hamon sa propesyon.
Base sa datos mula sa mga piling ospital sa CALABARZON, labis sa nirerekomenda ng DOH na 1 nars kada 12 pasyente bawat duty ang napapataw na responsibilidad sa mga nars.

Datos mula sa Laguna Provincial Hospital, Batangas Medical Center at Manila East Medical Center. View on
Sa katotohanan, humaharap ang bawat isa sa kanila sa humigit kumulang 20 na pasyente kada shift sa trabaho.
Pinapalala pa nito ang oras na ginugugol ng propersyon. Ayon kay De Paz, may mga pagkakataong nadadagdagan ang oras ng duty niya noon na dapat sana ay walong oras lamang. Sa kabila nito, mababa pa rin aniya ang pasahod sa kanila.
“Talagang underpaid kasi ‘yung mga nurses sa Pilipinas. So, parang hindi ka makakapagbuhay ng isang pamilya kapag d’yan ka lang talaga mag-stay,” sabi niya.
Tinitingnan din ang kakulangan sa benipisyo para sa mga nars bilang hamon sa propesyon sa bansa. Naikukumpara ni De Paz ang dating karanasan sa natatamasang suporta sa kasulukuyang pinagtatrabahuhan sa Ireland.
“In the hospital that I’ve been working in, they provide every seminars, lectures, trainings, mostly for our professional growth. Even, for our master’s degree, they will shoulder all the expenses for that just to support us in our career… ‘Yun ‘yung maganda dito, unlike d’yan sa Pilipinas,” ani De Paz.
Ito ang mga mitsang nagiging hudyat sa pag-alis ng mga nars patungong ibang bansa. Lalo lamang tumindi ang kagustuhan ng marami sa kanila na magtrabaho sa labas ng Pilipinas nang sumiklab ang COVID-19 pandemic kung saan humarap sa matinding krisis ang sistemang pangkulusugan ng bansa.
Batay pa rin sa datos mula sa mga piling ospital sa CALABARZON, 206 na mga nars ang naitalang umalis sa mga lokal na ospital mula 2021 hanggang 2023.

Datos mula sa Laguna Provincial Hospital, Batangas Medical Center, at Manila East Medical Center. View on Flourish.
Sa kasagsagan ng pandemiya noong 2021 ay kabi-kabila ang mga naiulat na pag-alis ng mga nars sa trabaho. Mababang sahod sa gitna ng mabigat na tungkulin buhat ng krisis ng COVID-19 ang kinaharap nila noon.
Mga Sanggunian
ABS-CBN Investigative and Research Group. (2024, October 28). Family or country? The hard choice Filipino nurses must make | ABS-CBN. ABS-CBN. https://www.abs-cbn.com/spotlight/multimedia/slideshow/03/08/23/family-or-country-the-hard-choice-filipino-nurses-make
ACE Medical Center Sariaya Inc. Quezon. (2024). Facebook. https://www.facebook.com/photo/?fbid=353571654095402&set=a.136624862456750
Ang, A., & Tiongson, E.. (2023). Philippine migration journey: Processes and programs in themigration life cycle. https://www.researchgate.net/publication/371574672_Philippine_migration_journey_Processes_and_programs_in_the_migration_life_cycle?fbclid=IwY2xjawHaPUBleHRuA2FlbQIxMAABHcj8wy_rv7GqjsawfF9o5B1CQdaVpzFDcTL2F91PDCEPvzfJoX3MBYXmdQ_aem_wzcMlKBVZ8bt96fmjDvIyg
Balita, C. (2024, November 14). Number of newly hired nurses to work abroad Philippines 2022-2023. Statista. https://www.statista.com/statistics/1536083/number-of-newly-hired-nurses-for-overseas-work-philippines/
Buchan, J., & Catton H. (2020). COVID-19 and the International Supply of Nurses. Report for the International Council of Nurses. https://www.icn.ch/system/files/documents/2020-07/COVID19_internationalsupplyofnurses_Report_FINAL.pdf
Department of Budget and Management. (2020). Upgrading the Entry Level of Nurse Position.
Department of Health. (2020). Human Resources for Health
Philippine Masterplan 2020-2040. https://hrh2030program.org/wp-content/uploads/2020/08/x12.1_HRH2030PH_HRHMasterplan-Full.pdf
Hospital Management Asia. (2024). Tackling the ‘nursing exodus’ in the Philippines. HMA.
Glassdoor. (2024). Nurse – CALABARZON- Glassdoor.com.
Indeed. (2024). Nurse – CALABARZON- indeed.com.
JobStreet. (2024). Nurse – CALABARZON- jobstreet.com.
Lucena MMG General Hospital. (2022). Facebook. https://www.facebook.com/photo/?fbid=529039072557855&set=a.264537869007978
Mary Mediatrix Medical Center. (2022). Facebook. https://www.facebook.com/photo/?fbid=5555648161173663&set=a.137448162993717
Manila East Medical Center. (2020). Facebook. https://www.facebook.com/photo/?fbid=677390850854412&set=a.512277670699065
Nineteenth Congress of the Republic of the Philippines. (2023). Resolution Urging The Committee On Sustainable Development Goals, Innovation, And Futures Thinking To Conduct An Inquiry, In Aid Of Legislation, On The Status Of Human Resources For Health HRH) In The Philippines. https://web.senate.gov.ph/lisdata/4108037437!.pdf
Official Gazette of the Philippines. (2024). Updating The Salary Schedule For Civilian Government Personnel And Authorizing The Grant Of An Additional Allowance, And For Other Purposes. https://www.officialgazette.gov.ph/2024/08/02/executive-order-no-64-s-2024/
Professional Regulation Commission. (2023). November 2023 Philippine Nurses Licensure Examination results released in fourteen (14) working days | Professional Regulation Commission. https://www.prc.gov.ph/article/november-2023-philippine-nurses-licensure-examination-results-released-fourteen-14-working
Professional Regulation Commission. (2022). May 2023 Philippine Nurses Licensure examination results released in ten (10) working days | Professional Regulation Commission. https://www.prc.gov.ph/article/may-2023-philippine-nurses-licensure-examination-results-released-ten-10-working-days/6577
UNIHEALTH-Quezon Hospital and Medical Center | Facebook. (2023). https://www.facebook.com/profile/100046369436534/search/?q=salary