‘Quezon’ forum pinangunahan ng DAKILA Laguna

Ulat ni Andie Francheska Cua

Tampok ang direktor na si Jerrold Tarog sa panayam na “Bayani Ba ’To? Talakayan: Mga Lingering Questions (MLQ) on Leaders, Legacy, and Liberty” ng DAKILA Laguna at TBA Studios na ginanap nitong Sabado, ika-13 ng Setyembre 2025, sa UPLB NCAS Auditorium.

Sentro dito ang Quezon, ang ikatlong pelikula sa kanyang “Bayaniverse Trilogy” na nagsimula sa “Heneral Luna” noong 2015 at “Goyo: Ang Batang Heneral” noong 2018. Bilang bahagi ng programa, ipinalabas ang eksklusibong sampung minutong mga piling eksena mula sa nasabing pelikula.

Dumalo rin si Arron Villaflor na gumanap bilang batang Joven Hernando sa Heneral Luna, kasama ang ilang historyador, aktibista, lider-kabataan, at mga kawani ng produksyon upang magbigay ng mensahe at makiisa sa talakayan.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Quezon sa darating na Oktubre 15, 2025.