The New South Blooms in Motion, wagi sa Zumbaños 2025

Ulat ni Nerelaine Espalto

Bida ang talento sa pagsayaw ng mga Los Bañense sa Zumba Showdown ng ika-24 na Bañamos Festival na idaos noong Setyembre 19 sa CPP Memorial Stadium & Evacuation Center, Brgy. Baybayin sa temang “Zumbaños 2025: Unleash your best K-POP vibes.”

Tinanghal na kampeon ang The New South Blooms in Motion sa pangunguna nina ZIN Floren at Dandreb. Nakuha naman ng Bayog Zumbagoers kasama sina Coach Jeanie, Coach Joy, at ZIN Jhen ang first runner-up, habang pumangatlo ang TPLB Dance Fitness Group nina ZIN Fhyra at Alex. Tumanggap ng ₱10,000 ang champion group, ₱7,500 para sa 1st runner-up, at ₱3,500 para sa 2nd runner-up. Pitong consolation prizes din ang ibinigay sa mga lumahok.

Bukod sa pangunahing patimpalak, ipinagkaloob din ang Best in Costume Award sa mga kalahok na sina Maricel Aduana, Teresita Miranda, Dorothy Ramos, Rafaela Abrenica, Ronnie G., Mylene Barde, Espie Tenorio, Graciella Tayam, Perly Fortuna, at Maricar Buhat, kung saan bawat isa ay tumanggap ng ₱500.

Lubos naman ang pasasalamat ng Zumba community sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Los Baños sa pagbibigay-tulong para maipatupad ang nabanggit na kaganapan. Isinagawa ang nasabing kompetisyon hindi lamang para ipakita ang galing sa pagsayaw kundi pati na rin ang diwa ng pagkakaisa, na tunay na nagbigay ng enerhiya sa selebrasyon ng Bañamos Festival.

This slideshow requires JavaScript.