Ulat ni Althea Rodriguez
Sumiklab ang palakpakan, hiyawan, at suporta sa idinaos na LBirit 2025 sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center noong Septyembre 16, 2025. Bahagi ito ng isang linggong pagdadaos ng Bañamos Festival 2025.
Itinanghal na kampeon si Jasmine Palis mula sa Brgy. Anos matapos ang mainit na laban ng galing at talento. Nakamit naman nila Lyka Amor Belan at John Carlo Guba ng Brgy. San Antonio ang una at ikalawang pwesto.
Nagtagisan ng talento at husay ang 13 kalahok mula sa iba’t ibang barangay mula sa bayan ng Los Baños. Sa huli, tatlo ang hinirang na nagwagi sa patimpalak.

