Ulat nina Arianne Joy De Torres at Mariejo Jalbuena
Hindi porma ng pagmamahal ang pang-aabuso.
Sa pagtatapos ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), muling nagbigay ng panawagan ang Philippine Commission on Women (PCW) para sa patuloy na laban kontra karahasan sa kababaihan. Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) mula 2016 hanggang 2023, ang VAW pa rin ang may pinakamataas na kaso ng Gender-Based Violence (GBV) sa bansa.
Ang kampanya ay isinasagawa mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12 bawat taon, kasabay ng pagdiriwang ng Human Rights Day tuwing Disyembre 10. Ang mga araw na ito ay nagsisilbing paalala na ang karahasan laban sa kababaihan ay isang seryosong isyu na kailangang tugunan at puksain.
Alamin ang mga anyo ng VAW, ang mga umiiral na batas laban dito, at mga hakbang na ginagawa upang maprotektahan ang kababaihan at wakasan ang pang-aabuso sa ating komunidad.