163 artists tampok sa Elbikon 2026

Ulat ni Rafa Piencenaves

Gaganapin ang ELBIKON 2026 sa Pebrero 14, mula 3:00 PM hanggang 9:00 PM, sa Charles Fuller Baker Memorial Hall ng University of the Philippines Los Baños bilang bahagi ng taunang UPLB February Fair, handog ng The Graphic Literature Guild.

Titipunin ng programa ang 163 inimbitahang artista na magtatanghal at magbebenta ng kanilang mga komiks, zines, prints, at iba pang akdang biswal. Layunin ng kumbensyon na higit pang palakasin ang komunidad ng graphic literature sa komunidad.

Kabilang sa mga inaasahang panauhing tagapagsalita sina Shawn Yohan (Bunganga Memories) at Ardie Aquino (School Run), na magbabahagi ng kanilang mga karanasan at pananaw sa industriya.

Maaaring pang mag-walk in upang makabili ng ticket.