Mahalaga ang boto ko dahil…

by Johanna Marie F. Drece

Bakit mahalaga ang boto mo ngayong darating na eleksyon?

Bago magsimula ang botohan, nagtanong-tanong kami sa ilang residente ng Los Baños kung bakit mahalaga ang kanilang boto. Ilan lamang ang mga sumusunod sa kanilang naging sagot:

52610

Kailangan ng pagbabago. Hindi na kasi nabago ang takbo sa gobyerno.

Ito ay ayon kay Amador Calingasan, 56 taong gulang at isang magsasaka sa Bureau of Plant Industry. Siya ay residente ng Timugan, Los Baños.

17102

Para doon ko makikita kung ang uupo ay maayos. Syempre kikilatisin ko muna, saka ako boboto.

Ito naman ang sabi ng 69 taong gulang na si Romeo Palaroan, isang businessman na nakatira sa Mayondon, Los Baños. Si Mang Romeo ay senior citizen na ngunit handa parin daw siyang bumoto sa araw ng eleksyon.

71368

Maraming problema tong Pilipinas eh. Sa kahirapan… Marami. Boboto ako para naman umunlad.

Ito ang sagot ng isang residente ng San Antonio, Los Baños na si Nilo Dimapilis. Siya 47 taong gulang at nagtatrabaho bilang hardinero at caretaker ng isang apartment compound sa Batong Malake.

30658

Para makapamili naman ng maayos na manunungkulan para mapaganda ang ating bansa at maging maunlad.

Ito naman ang sagot ni Danilo Samonte na taga-San Antonio, Los Baños. Tulad ni Mang Nilo, Si Mang Dani ay nagtatrabaho rin bilang caretaker ng isang apartment compound sa Batong Malake.

90987

Kasi bilang yun eh. Kung sakaling magdikit yung laban, baka yung boto ko pa yung magpanalo sa isa.

Ito ang sagot ni Jeffrey Bautista, 30 taong gulang at residente ng San Antonio, Los Baños na namamasada sa Umali Subdivision bilang tricycle driver.

52041

[Iboboto ko] kung sino talagang mas magaling sa kanila, kung baga may pagbabago.

Si Jeffry Labao naman ay isang 41 taong gulang na pedicab driver na naninirahan sa Putho-Tuntungin, Baños.

Ikaw, bakit mahalaga ang boto mo? Mag-comment sa o i-post and iyong sagot gamit ang #BHLaguna2016!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.