Unang Libreng Blood Sugar Testing ng Taon, isinagawa ng Diabetes Education and Wellness Clinic

ni Miguel Paulo Valencia

Isang libreng blood sugar testing ang isinagawa ng Diabetes Education and Wellness Clinic noong ika-26 ng Pebrero, sa Medical Arts Building ng University Health Service (UHS)

Dalawang uri ng blood sugar testing ang isinagawa, ang Fasting Blood Sugar (FBS) at Random Blood Sugar (RBS).

Nililinis ni Ms. Irene Tibor ang daliri ng nagpapa-eksamin.

Ang unang libreng blood sugar testing ng taon ay isinagawa ng Diabetes Education and Wellness Clinic.

Nagsimula ang libreng FBS at RBS ng 8:15 hanggang 10 ng umaga.  “Dalawang oras lang ang inilalaan namin sa mga pasyente para hindi sila ma-over fast” ayon kay Irene G. Tibor, ang Resident Nurse Diabetes Educator ng UHS.

Nabanggit din ni Tibor na “kapag kasi nag-under o over fasting, hindi na accurate enough ang pagt-test ng dugo.” Kaya binibigyang paalala ang mga interesadong magpa-eksamin na huwag kumain sa gabi bago ang araw ng testing upang mas eksakto ang pagsusuri sa kanilang mga dugo.

Ang FBS ay kadalasan isinasagawa sa mga taong hindi kumain o nag-fasting ng 8 hanggang 10 oras. Samantalang ang RBS naman ay ang mga nag-fasting ng mababa pa sa 8 oras. “Mas maganda sana kung hindi bababa sa 2 hours ang pag-fast nila dahil mas mababa ang accuracy ng makukuhang result dito” paalala ni Tibor.

Proseso ng pagtingin sa blood sugar

Ang proseso ng pagtingin sa blood sugar: pagtusok ng isang sterile lancet sa daliri na dadaluyan ng dugo.

Ayon kay Tibor, simple lang naman ang paraan ng pagtingin ng blood sugar. Una ay kinakailangan i-sterilize ang parteng tuturukan, na kadalasan ay darili. Pagkatapos punasan ng bulak na may alcohol ang daliri, tutusukin na ito ng sterile lancet. Pagkatapos ay pipisilin ng maigi ang daliri upang dumaloy ang dugo, kung saan ilalagay naman ito sa isang glucose strip. Isang maliit na aparatong tinatawag na glucometer (glucose meter) ang paglalagyan ng glucose strip. Pagkatapos ng ilang segundo ay makikita na ng espesyalista kung pasok ba sa normal na saklaw ang blood sugar.

Maliban sa libreng blood sugar testing, nagkaroon din ng libreng konsultasyon ukol sa tamang diet ang mga tao kasama si Ms. Desiree Reyes, ang nutritionist dietitian ng University Health Services. Ipinaalam ni Ms. Reyes ang mga angkop na pagkain upang maiwasan ang pagpapalala ng diabetes. Importante ang wastong pagkonsumo ng pagkain sa pangangalaga ng katawan upang hindi tumaas o bumaba masyado ang blood sugar na maaaring makaresulta sa diabetes.

Consultation kasama ang nutritionist dietitian na si Ms. Desiree Reyes

Kasabay ng free blood testing ang libreng consultation ukol sa tamang diet, kasama ang nutritionist dietitian na si Ms. Desiree Reyes.

Ang Diabetes Education and Wellness Clinic ay marami pang ibang serbisyong ibinibigay sa publiko. Ayon kay Dr. Randolph Trinidad, ang Diabetes Education and Wellness Clinic ay nagsasagawa din ng mga “check-ups, treatments, consultation on wellness and nutrition, nursing and foot care, insulin counseling, and cholesterol screening.” Kasamahan ni Dr. Trinidad sa Diabetes Education and Wellness Clinic sila Ms. Desiree Reyes at Ms. Irene Tibor.

Ang Free FBS/RBS na ginanap noong nakaraang Pebrero 27 ang kauna-unahang blood testing na isinagawa ng Diabetes Education and Wellness Clinic para sa taon na ito. Inaasahan na magkakaroon pa ng mga libreng blood testing sa mga sumusunod na buwan. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa University Health Service at makipagugnayan kila Dr. Randolph Trinidad (Ancillary Services Head), Ms. Desiree Reyes (Nutritionist Dietitian), o Ms. Irene Tibor (Diabetes Nurse).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.