Ulat ni: Ace Bayoneta
Nagsimula nang mag-anunsyo ng vote counts sa Brgy. GSIS, San Pedro, Laguna kaninang 7:05 PM. Ito ay ita-transmit sa COMELEC. Nang itanong naman sa mga pollwatchers, tuloy-tuloy lang daw ito hangga’t wala mismong nanggaling na direktong anunsyo mula sa COMELEC tungo sa mga tauhan dito. Sa kasalukuyan, naanunsyo na ang bilang na boto sa national level. Nangunguna si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr na mayroong 280 na boto, sinusundan naman ni Vice-President Leni Robredo na may 189 na boto. Si Isko Moreno ay nakakuha ng 90 na boto, at 0 na boto naman para sa ibang presidential aspirants.
Samantala, kaninang umaga ay dinagsa ng maraming botante ang Brgy. GSIS, isang oras at kalahati bago matapos ang botohan.
Bukod sa mahabang pila, nagkaroon din ng aberya ang vote counting machine (VCM) sa isang presinto na siyang nagdulot ng mahabang paghihintay sa mga botante. Tumagal ng dalawampung minuto ang pag-aayos ng nasabing problema sa VCM.
Bagama’t nagkaroon ng aberya, nasunod pa rin ng mga botante ang safety protocols. Sa katunayan, naging mabilis ang pila para sa mga persons with disabilities (PWDs), senior citizens, at mga buntis.
Tinatayang mayroong 1,700 katao mula sa Brgy. GSIS ang mga botanteng inasahang bumoto ngayong araw.