Ulat ni: Ramon Garcia
Nagsimula agad pagpatak ng ala-sais ng umaga ang pagpila ng mga botante ng Brgy. 12 sa Amadeo, Cavite. Kasulukuyang inaasikaso ngayon ng support staff na si Maricar Dela Cruz ang maayos na pila ng mga maaagang bumoto upang masunod pa rin ang health protocols. Marami sa nga dumarating ngayong umaga ay mga senior citizens at persons with disability.
Bago magsimulang pabotohin ang mga watchers, kasama ang mga miyembro ng Parish Pastoral Councilor For Responsible Voting o PPCRV ay nagsagawa muna ng initiation ang mga nasa Election Registration Board at chineck ang status ng vote counting machines.
Ayon kay Jacquelyn Leaban, ang chairman ng Brgy. Poblacion 12 Cluster 15, nagsimula nilang ayusin kaninang 5:30 ang mga upuan at pagdikit ng mga list of voters sa labas ng presinto dahil inilipat bigla ang kanilang presinto sa mas mababang palapag ngayong umaga.
Aniya, walang sinabing pormal na dahilan pero sa kanilang tingin ay dahil ito sa mas maraming seniors ang naka-assign sa kanilang presinto.