Ulat ni: John Michael Monteron
Bandang alas-dyes ng umaga ay wala pa ring nararanasang kahit anong aberya kaya tuloy-tuloy at mabilis ang daloy ng pagboto rito sa Brgy. Banto, Mogpog, Marinduque.
Kasabay nito, mahigpit na ipinatutupad ang mga health protocols at nakaantabay lamang ang pulisya para sa seguridad ng eleksyon.
Ayon kay Kapitan Benedicto Molato, alas kwatro pa lamang ay naghahanda na silang mag-ayos ng mga lamesa at upuan katuwang ang mga tauhan ng COMELEC.
Kahit may katandaan na at may iniindang pananakit ng likod, hindi alintana ni Flordelisa Magahis, sitenta y dos anyos na nanay ang paghihintay sa pila. Aniya, pinipilit niyang bumoto dahil gampanin niya ito bilang isang responsableng mamamayan.
Ayon naman kay Cristina Pacheco, isang medical personnel, nangangalahati na ang mga botanteng nakaboto base sa kanyang listahan.