Social distancing patuloy na ipinapatupad sa Amparo, Caloocan City

Ulat ni: Robs Antonio
Patuloy ang pagdagsa ng mga botante sa Amparo Elementary School sa Caloocan City. Kaninang ala sais ng umaga ay halos hindi na masunod ang social distancing sa mga pasilya ng gusali dahil sa biglaang pagdating ng mga botante. Di kalaunan ay naisaayos naman ang pila para sa mas maginhawang bentilasyon at masigurong nasusunod ang health protocols.
Ayon kay Joenorec Rebuyaco, Chairman ng Electoral Board sa isang presinto, pitong-daan ang rehistradong botante sa lugar kaya naman inaasahan pa ang pagdagsa ng mas marami pang botante ngayong araw.
Pagdating naman sa Emergency Accessible Polling Place (EAPP), hindi maiwasang mapaupo sa hagdan ang walumput-anim na taong gulang na si tatay Rodolfo Delumen. Aniya, medyo mahirap para sa edad niya na umupo sa hagdan at walang upuan habang nag-iintay sa kahabaan ng pila. Kapansin-pansin raw ang kaibahan nito kumpara sa nakaraang eleksyon na agad silang nakapunta sa kanilang presinto upang bumoto.
Ayon naman kay Roda Sombilla, Medical Support Staff, maganda naman daw ang daloy ng pagboto ng mga senior citizens at persons with disability, ngunit hindi raw maiwasan na mapaupo ang mga senior citizen dahil sa pagdagsa ng tao. Sa kasalukuyan, maayos na ang lagay ng EAPP at wala nang nag-aantay sa labas ng presinto.
Sa kabilang banda naman, nakalaan ang tatlong gusali para sa limampu’t tatlong (53) polling precinct at kasalukuyang mahaba pa rin ang mga pila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.