Sa pamamagitan ng pagbibisikleta, ang UP Los Baños ay isinulong na maging ligtas na espasyo mula sa karahasan ang komunidad sa pagsasagawa nito ng Ride with Pride noong Hunyo 26, 2022 bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pride Month.
Ito ay pinangunahan ng Break the Cycle at Bikers United Movement (BUM), mga grupo ng mga indibidwal na naglalayong isulong ang pagbibisikleta bilang paraan ng transportasyon sa bansa. Sa kanilang aktibidad na pinangunahan ni Ann Angala, sila ay nagsagawa ng kampanya upang itaguyod ang karapatan at kapakanan ng LGBTQIA+ community at kababaihan.
Nagsilbing punong-abala nila ang UPLB Office of the Vice Chancellor for Community Affairs at ang UPLB Gender Center (UPLB-GC). Dinaluhan rin ito ng mga opisyal ng mga nasabing opisina na sila Vice Chancellor Roberto P. Cereno at Director Nelson Jose Vincent B. Querijero.
Isa rin sa mga punong-abala ng aktibidad ay ang UPLB Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE), isang organisasyon ng mga kalalakihang kawani ng UPLB na naglalayong wakasan ang karahasan sa kababaihan at gender-based violence.
Nagsagawa rin ang Break the Cycle at BUM ng Ride with Pride sa Metro Manila noong Hunyo 25.