Unang Pride Celebration ng Los Baños Isinagawa

Ulat nina Maurice Paner at Leanshey Castillo

Isinagawa ang unang Pride Celebration ng Los Baños na may temang “LB Gayla Night: Let’s Make it Happen, Together”, kagabi, Hunyo 17, sa Lolo’s Place sa Bay, sa pangunguna ni Councilor Leren Mae Bautista.

Nagkaroon ng mga Educational Discussions na pinangunahan ng UPLB Babaylan na nagbahagi ng mga kaalaman tungkol sa Pride at LGBTQ+ Activism. Bukod dito, nagkaroon din ng libreng HIV Test at Counseling na hatid ng SAIL Clinic Calamba.

Binigyang parangal ang mga taong nasa likod ng nasabing programa. Hindi rin natapos ang programa nang hindi pinangunahan ng mga guest performers tulad ng Drag Kolors, na nagdulot ng espesyal na kasiyahan at nagpakita ng pagpapahayag ng kanilang pagkakakilanlan.