Global Care Medical Center of Canlubang, Makiling Integrated School Wagi sa Buhayani Festival 2023

Ulat nina: Maurice Paner at Leanshey Castillo

Litrato: https://www.facebook.com/photo/?fbid=635242498628030&set=pcb.635242781961335

Litrato: https://www.facebook.com/photo/?fbid=635241788628101&set=pcb.635242781961335

Nagwagi ang Global Care Medical Center of Canlubang at Makiling Integrated School para sa Float Competition at Street Dance Competition sa ginanap na Calambagong Buhayani Festival 2023 Grand Parade noong Hunyo 19 sa Calamba City.

Ang awarding ceremony ay ginanap sa City Plaza matapos ang parada.

Samantala, ang mga sumusunod naman ang nagkamit ng ikalawa at ikatlong puwesto:

Street Dance

  • 2nd – Eduardo Barreto, Sr. National High-School
  • 3rd – Citi Global College (Calamba Campus)

Land Float

  • 2nd – Kanepackage Philippines Incorporated
  • 3rd – SM City Calamba

Isinagawa ang Calambagong Buhayani Festival 2023 Grand Parade sa Calamba City bilang pagdiriwang sa ika-162 na anibersaryo ng kapanganakan ng pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. 

Kalahok sa parada sina Gov. Ramil Hernandez at Congresswoman Ruth Mariano Hernandez, City Government of Calamba (sa pangunguna ni Mayor Rosseller “Ross” H. Rizal), Philippine National Police (PNP) ng Calamba, at mga organisasyong Rizalista. Nagpakitang gilas din sa street dancing at paggawa ng land float ang iba’t ibang eskwelahan at organisasyon ng Calamba.

Ang parada ay nagsimula sa Crossing Calamba ng 3:00 PM patungong City Plaza.

Matapos ang dalawang taong pandemya ay muling umarangkada ang nasabing pagdiriwang na naging daan upang mabigyang karangalan ang alaala ni Rizal.

Alinsunod din sa Republic Act No. 11144, Special Non-Working Holiday sa Laguna ang Hunyo 19 kada taon. Walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan, tanggapan ng gobyerno, at pribadong sektor sa buong lalawigan.