Ulat ni: Maurice B. Paner
Sinimulan sa Cebu noong 1994, ang Farmer-Scientist Training Program (FSTP) ay halos tatlong dekada nang isinasagawa ng UP Los Baños (UPLB). Ito ay siniumlan ni Prof. Emeritus Romulo Davide na nakatanggapng Ramon Magsaysay Award – ang Nobel Prize ng Asya – noon 2012 dahil sa kanyang programa. Pinagtibay pa ang programa dahil sa Executive Order No. 710 ng Malacañang na nilagdaan noong Pebrero 27, 2008.
Nakapanayam ng Radyo DZLB sa episode ng Galing UPLB! Noong Hulyo 14 sina Augustus Franco Jamias at Anecito Anuada, coordinators ng FSTP.
“Ang programang FSTP ay pinagsama-samang teknolohiya o Agricultural Research and Development Extension Methodology na nagbibigay kakayahan sa mga magsasaka na maging ‘magsasakang siyentipiko’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay sa pagpapaunlad ng pagsasaka gamit ang ibat ibang teknolohiya,” paliwanag ni Anuada
Ang FSTP ay may tatlong phases.
Ang Phase I ay may kinalaman sa pagtuturo sa mga magsasaka ng spiritual at moral values, research methods, at technical empowerment.
Pinaliwanag ni Anuada na kada Linggo ay ang mga scientist ang nagbibigay kaalaman sa mga kalahok tungkol sa estado ng mga halaman. Ang mga nasabing kalahok ay mula sa iba’t ibang Barangay
Ang Phase II naman ay may kinalaman sa farm experimentation at technology adoptionadaption.
“Yung mga farmers scientist na naka graduate nung Phase one, mag a adopt sila sa Phase two. Sa sarili nilang farm, doon nila gaganapin yung mga experiment na ginawa nila. Doon titingnan kung yung technology, mga variety ng mais, fertilizer o IPM ba ay maganda ang adoption sa sarili nilang farm.” Mr. Anuada.
Sa Phase III naman ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga magsasaka na turuan ang kanilang kapwa magsasaka ng mga teknolohiyang kanilang na-adopt.
Isa rin sa magandang naidudulot ng programang FSTP ay ang pagkakaroon ng bagong imahe ang mga magsasaka dahil nabibigyan din sila ng pagkakataong maging mga siyentista, guro, agripreneur, at ahente ng corn farming.
“At least yung mga kabataan, makita nila na ang ating mga farmers ay something to look up na parang gusto ko rin maging katulad nila,” sabi ni Mr. Jamias.
Dagdag pa ni Jamias na isa sa mga kapansin-pansin na kontribusyon ng FSTP ay ang pagbibigay diin sa mga magsasaka na sila ang tunay na bayani ng ating lupain. Sa kabilang banda, dito rin natin mas makikilala ang mga kakayahan na kayang ibigay ng mga magsasaka tulad na lamang ng kanilang angking kakayahan at talino upang patuloy na paunlarin ang agrikultura sa bansa.
Hindi rin naging hadlang ang pandemya sa pagsasagawa ng FSTP sapagkat sinikap pa ring abutin ng programa ang mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng distance learning at video materials.