Daloy ng botohan sa Brgy. Putho-Tuntungin, maayos – PPCRV volunteer

Jyasmin Calub-Bautista

Mabilis, maayos, at mapayapa ang daloy ng botohan sa Paciano Rizal Elementary School, Brgy. Putho-Tuntungin ayon kay PPCRV volunteer pollwatcher Roel Rosauro. 

Labing-pito ang polling clusters sa Paciano Rizal Elementary School. Patuloy ang teacher volunteers at mga kawani ng COMELEC sa pagpapadaloy sa mismong proseso ng pagboto. Sa kabilang banda, masusi ang pag-asiste ng mga PPCRV volunteers sa mga botante, partikular sa paghahanap ng kanilang mga polling precinct

May nakalaan ding Emergency Accessible Polling Place (EAPP) sa unang palapag ng paaralan para sa mga PWD, senior citizen, at heavily pregnant women.