Higit 1,400 na residente, inaasahang makaboto sa Brgy. Talangan, Nagcarlan, Laguna

Jersey Pauline Salvaña

Patuloy ang dagsa ng mga first time at regular voters sa Talangan Elementary School, Brgy. Talangan, Nagcarlan, Laguna, bitbit ang kanilang mga panangga sa ulan at init. Nagkaroon man ng pila, naging mabilis naman ang pag-usad at proseso sa pagboto sa loob ng mga presinto. Tinatayang 1,453 na botante ang inaasahang dumalo sa eleksyon ngayon dito sa Brgy. Talangan.