Ilang mga botante, hindi mahanap ang presinto sa Parian, Calamba City, Laguna

Shynna Heart Ponce

Ilan sa mga botante sa Parian Elementary School, Calamba City, Laguna ang hindi umano mahanap ang kanilang presinto. Ayon kay PPCRV volunteer Arvin Parcon, ito ay dahil hindi nakaboto ang mga ito noong nakaraang eleksyon.

Gayunpaman, wala naman daw na alitang naganap sa gitna ng paghahanap ng presinto ng mga botante.