Isang diumanong poll watcher sa Brgy. Nanhaya, Victoria, Laguna, nadiskubreng walang ID

Francine A. Flores

Pinaalis ang isang diumanong pollwatcher matapos na hindi siya makapagpakita ng ID sa Gregorio Heradurra ES, Brgy. Nanhaya, Victoria, Laguna. Ayon kay Elsa Pleto, Department of Education Supervisor Official (DESO) ng paaralan, mas naghigpit ang mga staff sa pagpapapasok ng tao sa lugar upang maiwasan ang ganitong pangyayari. Dagdag ni Pleto, naging madalang na ang pagdating ng mga botante habang nalalapit ang oras ng pagtatapos ng pagboto.