Sinimulan na ang pagbibilang ng mga boto sa San Ramon Elementary School (SRES) pagdating ng ika-3 ng hapon, ang itinakdang pagtatapos ng botohan. Nasa isa o dalawa na lamang na mga presinto ang may botante pa rin ngunit nasa isa hanghang tatlo na lamang ang botante na inantay na lang matapos.
Mahigpit na pinagbawalan ang mga tao na pumaligid sa mga presinto habang binibilang ang mga boto. Tanging mga pollwatchers na lamang ang pinayagan ng security sa loob at labas ng bawat silid. Itinalaga na rin ang mga Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Volunteers na magbantay na bilangan ngayong hapon na aabot ng gabi.