SK at Barangay Eleksyon matiwasay na natapos sa Ricardo A. Pronove ES

Portia B. Angeles

Bente minutos bago mag alas-tres ng hapon ay matiwasay at tahimik na natapos ang Barangay at SK eleksyon na ginanap sa mababang paaralan ng Ricardo A. Pronove Elementary School, Brgy. Ibabang Butnong, Magdalena Laguna. Maraming mga botante ang mas pinili ang bumoto sa hapon dahil ayon sa kanila ay mas maginhawa at hindi siksikan sa bawat presinto.