Maayos at matiwasay na BSKE 2023, sinisigurado sa Famy ES

Genyll Religioso

Umaga pa lamang, maraming nang botante ang nagtungo sa Famy Elementary School para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023. Malinaw na ibinahagi sa mga botante ang mga patakaran tungo sa maayos na pagboto. Upang tiyakin din ang seguridad ng mga botante, nakaantabay at mahigpit na nagbabantay ang mga pulis mula sa Pamahalaang Bayan.