Mga botante sa Victoria, Laguna dumadagsa na

Olga J. Domingo

Paparami na ang mga botante na pumupunta sa iba’t-ibang presinto dito sa San Francisco Elementary  School.  Pinakamarami na mga bumoboto ay nasa Precinct 100-101A. Halos 400 na ang nakaboto dito mula nang nagsimula ang botohan kaninang alas-siyete ng umaga ngunit ito rin ang may pinakamahaba na pila sa lahat ng mga presinto.

Bukod sa ito ang may pinakamarami na botante, sinabayan pa ito ng pagdating ng mga  senior citizens.