Mga suliranin sa gitna ng botohan sa Brgy. Timugan, agarang inaaksyunan

Faith Bañares

Sa nagaganap na botohan sa Brgy. Timugan sa Los Baños Central Elementary School, hindi naiwasang makaranas ng aberya ang ilang mga botante.

Bunga ng hindi pagboto sa huling dalawang magkasunod na eleksyon, ilang mga botante ang nawala sa listahan dahil sa record na Inactive Voter. Isang botante naman mula sa kabilang bayan ang napadpad sa Timugan, kaya’t hindi siya pinayagang makalusot alinsunod sa ibinabang utos sa Voter’s Assistance Desk.

Agad namang nabibigyang aksyon at natutugunan ang mga suliraning ito. Sa tulong ng nakaabang na PPCRV volunteers, nahahanap mula sa listahan ang eksaktong numero ng presinto ng mga nagtatanong na botante.