Volunteers nagsanib-pwersa sa pagbantay sa botohan sa Francisco Benitez Memorial School, Pagsanjan

Sierence C. Taiño

Sa ganap na alas syete ng umaga, binuksan ang mga presinto sa Francisco Benitez Memorial School sa Pagsanjan, Laguna. Inaasahan mahigit 3,200 ang botanteng magtutungo sa paaralan upang bumoto, dahil dito sanib-pwersang nakatutok ang iba’t ibang volunteers at kapulisan upang tumulong at magbantay para sa BSKE 2023.

Dahil sa inaasahang dami ng botante, katuwang ng mga mamamayan ang mga volunteers mula sa Parish Pastoral Council For Responsible Voting (PPCRV) upang maasistihan sila patungo sa kanilang mga presinto. Nakabantay rin ang PNP Pagsanjan upang masigurado ang kaayusan at seguridad sa nasabing paaralan. Katuwang din ang Bureau of Fire Protection-First Aid Service Team upang magbantay sa mga emergency situation na maaaring maranasan ng ating mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, ay maaayos pa rin na naisasagawa ang botohan. Inaaasahan ng mga volunteers na hanggang sa magsara ang botohan ay mapanatili ang kaayusan at katiwasayan ngayong taon para sa Barangay at Sk Election.