Ilang lugar sa Biñan, sumailalim sa scheduled power interruption ng MERALCO

Ulat nina: Lance Isaac Reamon at Irish Gwyneth Habig

Nakaranas ng scheduled power interruption ang mga residente ng Biñan, Laguna ngayong Huwebes, ika-apat ng Abril, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Ayon sa anunsyo ng Meralco, ilan sa mga apektadong lugar ay ang parte ng San Agustin Drive mula sa Ecocentrum Avenue hanggang Colegio San Agustin – Biñan at ilang bahagi ng Barangay San Francisco.

Kabilang rin sa apektado ay ang ilang parte ng San Francisco Road hanggang Southwoods Overpass at Ibaba Street, at ibang bahagi ng Southwoods Road, Enterprise Avenue, at San Francisco Road, ayon sa anunsyo ng Biñan City Information Office sa kanilang Facebook page

Saad ng Meralco, isinigawa ang power interruption upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng mga poste, reconstruction works at reconductoring works.

Dagdag pa rito, ang naturang power interruption ay bunsod din ng relokasyon ng mga pasilidad sa Southwoods City – Ecocentrum Business Park ng Barangay San Fransisco.