Ulat nina Ashley Pauline P. Lansin at Christian Benneth Hernandez
Upang hikayatin ang komunidad na gumamit ng mga serbisyo ng mga aklatan, isinigawa ng University Library ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), katuwang ang UPLB Office of Counseling and Guidance (OCG), ang InfoSkilled, isang serye ng mga talakayan, noong Setyembre 18-20, 2024 sa Student Union (SU) Building ng UPLB at sa Zoom.
Binigyang diin naman ni Renz Cao, Chair ng InfoSkilled Committee ng programa, ang importansya at pribilehiyo ng pagkakaroon ng subscription sa iba’t ibang pahayagang pang-akademiko ang University Library na maaaring ma-access ng komunidad.
“Binibigyan ng budget ang Library para sa mga subscription sites, kaya’t dapat natin itong gamitin para hindi tanggalin ang budget para dito,” aniya.
Inaasahan na matulungan ng program ang komunidad pagdating sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa mga digital database, e-books, at iba pang mahalagang materyal na magagamit nila sa kanilang pag-aaral at pananaliksik.
Samantala, gaganapin naman ang 34th Library and Information Services Month at the 90th National Book Week ngayong Nobyembre kung saan may mga aktibidad na nakahain din ang UPLB University Library.