Ang sabi-sabi: Dapat nagmumumog pagtapos magsipilyo
Marka: Hindi Totoo
Pagkatapos magsipilyo, hindi inirerekomenda ang pagmumog, dahil maaari nitong alisin ang fluoride, ang aktibong sangkap ng mga toothpaste na tumutulong magpatibay ng ngipin. Sa halip, nirerekomenda ng mga pag-aaral at mga dentista na idura lamang ang natirang toothpaste sa bibig at huwag na banlawan ng tubig, upang manatili ang fluoride sa enamel at mas epektibong maprotektahan ang ngipin laban sa pagkabulok.
Karaniwang gawain ang pagmumumog o pagbabanlaw sa bibig ng tubig pagkatapos magsipilyo. Ngunit ayon sa mga pag-aaral at mga rekomendasyon ng mga dentista ay hindi dapat ginagawa ito dahil tinatanggal nito ang flouride, ang aktibong sangkap ng mga toothpaste na nagpapatibay sa ngipin, ayon sa Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).
@docezzyalgabre Okay lang ba hindi magmumog pagkatapos magsipilyo? #docezzy #EduWow #LearnItOnTikTok
♬ original sound – karl.limpin on Insta 🥶 – karl.limpin on Insta 🥶
Pinapatibay ng fluoride ang ngipin sa pamamagitan ng paggawa sa enamel na mas matatag laban sa asido at sa pagpigil sa pagkakaroon ng cavity sa pamamagitan ng remineralization at pagpigil sa pagdami ng mga bakterya, ayon sa Cleveland Clinic.
Pinatunayan ng mga pag-aaral (clinical trials) mula sa Community Dentristry and Oral Epidiomology Journal at Caries Research Journal na natatanggal daw ang fluoride kung sobra-sobra ang pagmumog pagkatapos magsipilyo.
Samantala, sa isang concensus ng ilang eksperto na nailimbag sa Nature Journal, ipinapayo nila ang pagdura ng natirang toothpaste kaysa sa pagmumog upang makuha ang mabuting dulot ng fluoride sa mga ngipin.
Sinasabi naman ng isang medical website na Healthline na ang wastong pagsisipilyo, pagfofloss, at regular na pagpapalinis ng ngipin sa dentista ay ilan sa mga mga paraang pampanigurado ng kalinisan at kalusugan ng ngipin ng mga tao.
Ang sabi-sabing ito ay natalakay rin ng mga sumusunod na fact-checks:
- Don’t rinse after brushing and other tips for better dental health (CNN News)
- Should You Rinse After Brushing?
Mga Sanggunian:
Chestnutt I.G., Schäfer, F., Jacobson, A.P.M., & Stephen K.W. (2007). The influence of tooth-brushing frequency and post-brushing rinsing on caries experience in a caries clin-ical trial. Community Dentistry and Oral Epidemiology, 26(6). pp. 361-428. https://doi.org/10.1111/j.1600-0528.1998.tb01979.x
Cherney, K. (2019). 11 Ways to Keep Your Teeth Healthy. Healthline. https://www.healthline.com/health/dental-and-oral-health/best-practices-for-healthy-teeth
Mendoza, M. A. F. (2015). Testing for a fluoride toothpaste utilization formula: Does rinsing after toothbrushing affect dental caries prevention? Philippine Journal of Health Research and Development, 19(2).
Pitts, N., Duckworth, R.M., Marsh, P., Mutti, B., Parnell, C., and Zero, D. (2012). Post-brushing rinsing for the control of dental caries: exploration of the available evidence to establish what advice we should give our patients. British Dental Journal, 212(7). pp. 315-320. 10.1038/sj.bdj.2012.260
– Kimlea Marie Banaay/LB Times
PAUNAWA: Ang layunin ng fact-check na ito ay magbigay ng impormasyon at hindi ito dapat ituring bilang medikal na payo o kapalit ng propesyonal na pagsusuri. Para sa wastong diagnosis at paggamot ng anumang karamdaman, kumunsulta sa isang doktor o lisensyadong propesyonal sa kalusugan. Dagdag dito, ang mga ebidensyang nabanggit sa fact-check na ito ay base sa mga kasalukuyang datos nang ito ay mailathala. Maaaring mag-iba ang mga ito kapag may panibagong mga ebidensyang lumabas sa hinaharap.
May nakita ka bang kahina-hinalang sabi-sabi sa social media tungkol sa kalusugan na nais mong mabigyang-linaw? Ipadala ang screenshot o link ng naturang post sa [email protected] o sa opisyal na Facebook page ng LB Times.
