ni Danessa Lopega
Gaganapin ang Barangay Assembly sa Los Baños na inorganisa ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula ika-12 hanggang 21 ng Oktubre. Hinihikayat ang mga mamamayan ng Los Baños na dumalo sa nasabing pulong barangay upang kanilang malaman ang estado ng pondo at mga programa at proyekto sa kanilang barangay.
“Ngayon ay katatapos lang nang paghalal sa mga bagong barangay officials, it’s one way na magiging familiar ‘yong mga tao sa kanila, magiging pamilyar din sila sa mga concerns ng mga tao,” ani Brian B. Ballon, DILG 4A Local Government Operations Officer (LGOO) V .
Naglabas ang DILG ng Memorandum Circular 2018-151 noong ika-21 ng Setyembre, kung kailan naghayag ng direktiba ang DILG upang malaman ng mga barangay ang dapat nakapaloob sa gaganaping barangay assembly.
Una na rito ay ang pagkakaroon ng State of the Barangay Address (SOBA), kung saan nakapaloob ang mga nagawa noong unang semestre ng taong 2018, financial statements, update sa mga darating na programa at proyekto at ang mga bagong ordinansa ng barangay na naipatupad.
Ikalawa ay maipaalam sa taong bayan ang mga bagong batas pambansa na naipatupad at ang plano ng barangay sa pagsunod sa mga ito. Dito nais bigyang pansin ang pagtalima ng barangay sa DILG-Dangerous Drug Board (DDB) at pag-organisa ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na dapat ituring bilang ‘barangay-based institutions’ na kailangan ng isang barangay. Dito mailalathala ng mga opisyal ng barangay ang “BADAC Plan of Action”.
Ikatlo ay ang pagpapatupad ng barangay sa Batas Kasambahay Law kung saan naglalayong irehistro ang mga kasambahay sa Registry of Domestic Workers sa bawat barangay upang mabigyang proteksyon ng barangay hindi lamang ang mga kasambahay kundi pati na rin ang mga nila.
Hindi limitado sa mga nasabing layunin ang barangay assembly dahil dito rin maaaring masabi ng mga mamamayan ang kanilang opinion at mga hinaing tungkol sa mga isyung pambarangay. Ipinaliwanang ni Ballon na ang barangay assembly ay “isang consultative event kasi hindi lang ito pagpapakita ng mg accomplishments ng barangay, nakakuha din sila [barangay officials] ng mga sentimyento doon sa kanilang mamamayan kung ano ang kanilang mga hinaing. Pwedeng mamamayan mismo ang mag-suggest sa kanila kung ano ‘yong mga kailangan na ordinansa,” paliwanang ni Ballon. Layon din ang barangay assembly na mapagtibay ang pagkakaisa ng mga miyembro ng komunidad.
Sa mga nais dumalo, narito ang mga naitakdang araw, oras, at lugar na pagdadausan ng gaganaping barangay assembly:
- Brgy. Anos – October 21, 2018 / 2:00 PM (Maquiling Subd. Covered Court)
- Brgy. Bagong Silang – October 13, 2018 / 9:00 AM (Bagong Silang Elementary School)
- Brgy. Bambang – October 20, 2018 / 9:00 AM (Barangay Hall)
- Brgy. Batong Malake – October 20, 2018 / 9:00 AM (Covered Court)
- Brgy. Baybayin – October 13, 2018 / 3:00 PM (Day Care Center / Old Barangay Hall)
- Brgy. Bayog – October 14, 2018 / 6:00 PM (Covered Court)
- Brgy. Lalakay – October 14, 2018 / 3:00 PM (Barangay Hall)
- Brgy. Maahas – October 12, 2018 / 5:00 PM (Covered Court)
- Brgy. Malinta – October 20, 2018 / 7:00 PM (Barangay Hall)
- Brgy. Mayondon – October 20, 2018 / 3:00 PM (Covered Court)
- Brgy. San Antonio – October 20, 2018 / 6:00 PM (Basketball Court)
- Brgy. Tadlac – October 13, 2018 / 5:00 PM (Covered Court)
- Brgy. Timugan – October 20, 2018 / 8:00 AM (Los Baños Central School)
- Brgy. Tuntungin-Putho – October 14, 2018 / 5:00 PM (Covered Court)