Ulat ni: Margareth Callo
Sa kabila ng pandemya, hindi nagpaawat ang mga Rizalenos sa Rizal, Laguna sa patuloy na pagboto ngayong Mayo 9. Kaya naman mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols bilang pagsisiguro na magiging maayos at ligtas ang mangyayaring botohan.
Marami-rami na rin ang mga taong dumadagsa sa Rizal Elementary School upang sila ay makaboto ngayong eleksyon. Upang masiguro ang maayos na pagpasok at pagpila ng mga tao, naglaan ng holding area sa gymnasium ng paaralan upang mag-accomodate ng mga taong papunta sa botohan. May bukod na pila sa bawat barangay at pinauuna ang mga senior citizens, buntis at persons with disability o PWD.
Doon ay bibigyan sila ng maliit na papel kung saan maglalagay sila ng mga impormasyon tulad ng kanilang pangalan, presinto, at temperature.
Tulung-tulong ang mga kawani ng bayan at ang mga volunteers ng PPCRV upang maging maayos at ligtas ang halalan sa Rizal, Laguna.