May isandaang botante, nakaboto na sa Brgy. Sinagtala, Mabitac, Laguna

Ulat ni: Gherald Navera

Nagsimula agad pagpatak ng ala-sais ng umaga ang pagpila ng mga botante ng Brgy. Sinagtala sa Mabitac, Laguna.

Bago magsimula ang pagpapapasok sa mga botante ay siniguro muna kung maayos na gumagana ang lahat ng vote-counting machines (VCM). Pinahanay rin ang mga poll watchers ng iba’t ibang partido at kanila namang pinapila ng maayos ang mga taong dumating doon.

Ang voting precincts ng Brgy. Sinagtala ay matatagpuan sa Municipal Plaza Compound. Nasa 700 ang bilang ng rehistradong botante na inaasahang makaboto ngayong araw. Dalawang oras mula ala-sais ay may isang daang botante na rin ang nakapagbigay ng kanilang boto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.