Mga botante patuloy ang pagdagsa sa Kapatalan Elementary School kahit bumuhos ang ulan

Ulat ni: John Alojado Nitura

Kasabay ng pagbubukas ng mga presinto para sa halalan 2022 ay ang pagbuhos naman ng ulan sa Kapatalan Elementary School sa Sinoloan, Laguna na bahagyang nagpa antala sa pagboto ng mga rehistradong botante ng voting center.

Kilala ang barangay bilang isa sa mga kadalasang inuulang lugar sa Sinoloan. Matatandaang maging noong 2019 elections ay nakaranas din ang lugar ng kaparehong panahon.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang naging pagpapatupad ng istriktong health protocols sa paaralan. Bago pa man makapasok ng gate ay nakatalaga na ang mga taga-bantay at boluntaryong magche-check ng mga temperatura ng mga boboto sa presinto.

Inaasahan na magiging mabilis lamang ang magiging botohan sa lugar dahil sa maunting populasyong naitala rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.