Botohan, matagumpay na naisagawa sa Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna

Faith M. Bañares

Sa kabila ng init ng panahon ngayong hapon ay natapos ang botohan sa Brgy. Timugan na malinis, maayos at walang naitalang gulo. Pagsapit ng alas-3 ng hapon, nagtalaga ng mga bantay na pulis sa entrada ng Los Baños Central Elementary School upang harangin ang mga nahuling dumating, at ipabatid na tapos na ang oras ng pagboto. Sinimulan na rin ang manu-manong pagbibilang sa mga boto, at patuloy na sinisigurado ng mga nasa loob ng bawat presinto ang siguridad ng bawat balota.