Botohan sa LBNHS-BM, mabilis

Miguel Victor Durian

Botohan sa LBNHS-BM, mabilis
Mabilis ang naging daloy ng botohan ngayong hapon sa Los Baños National High School-Batong Malake (LBNHS-BM). Sa loob lamang ng sampung minuto ay naikasa na ng mga nasasakupan nito ang kanilang mga boto. Ayon sa poll watchers ay wala pang nararanasang aberya sa botohan ang paaralan. Dagdag nila ay kaninang umaga lamang ang dagsa ng mga tao. Samantala ay may mga nakadestino ring mga tanod at iba pang awtoridad para sa emergencies.

Like

Comment
Share