Ulat ang mga larawan ni Princess Brillo
Isinagawa ng Barangay Anos PWD Association ang kanilang kauna-unahang Foundation Day sa covered court ng barangay nitong ika-27 ng Abril 2024.
May temang “Ang Buhay sa Kabila ng Kapansanan, Dapat Lakas ng Ating Bukas,” ang programa ay naglayong pagbuklurin ang sektor ng PWD ng barangay at patatagin ang kanilang pagtutulungan sa kabila ng mga hamon ng kanilang kapansanan.
Katuwang ng asosasyon ang Department of Social Development Services (DSDS) ng College of Human Ecology (CHE) ng University of the Philippines Los Baños.
Ayon sa presidente ng association na si Leonie Gopela Macaldo, ilan sa mga aktibidad na kanilang ginawa ay ang bazaar na nagtatampok ng mga produktong gawa ng mga miyembro ng asosasyon. Kabilang din ang paglalaro ng bingo, raffle, Zumba for a Cause, at libreng Nutrition Clinic at Nutrional Assessment na isinagawa ng mga estudyante mula sa CHE.
Ang nasabing aktibidad ay sinuportahan din ng Municipal Government of Los Baños sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng in-kind donations. Pinasasalamatan din ng asosasyon ang iba pa nito partner-agencies sa kanilang suporta.
“…’Yung mga nagcoconnect saamin kagaya ng College of Human Ecology at College of Development Communication… kung ano ang mga programa na gusto nila, tinatanggap namin kung para sa PWD,” pahayag ni Macaldo.