LB Fitness Community: Tuklasin ang Iba’t Ibang Mga Gym sa Los Banos

Ulat nina Cyrille Gaile Panisa at Kristia Reodica

Matapos ang pandemya, dumarami na rin ang mga health enthusiast sa Los Baños, anuman ang edad o gender. Ang pagdami ng mga gym sa lugar na ito ay nagpapatunay sa lumalaking interes ng mga tao sa kalusugan at fitness. Sa dami ng pagpipilian, tiyak na may gym na akma sa iyong pangangailangan at budget. Alamin natin ang mga gym na malapit sa atin at pasok sa ating budget upang makapagsimula na sa pag-aalaga ng ating kalusugan at katawan.

Trace Leisure Club

Ang Trace Leisure Club ay matatagpuan sa El Danda Street, Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00am hanggang 9:00am at mula Sabado hanggang Linggo mula 7:00am hanggang 7:00pm.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring kontakin sila sa 09364008057 o tingnan ang kanilang Facebook Page.

Jeffrey’s Gym

Ang Jeffrey’s Gym ay matatagpuan sa 2nd floor ng Kalaw Building, Lopez Avenue corner National Highway, Los Baños, Laguna, at pagmamay-ari ni Mr. Jeffrey Ortega. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00am hanggang 8:00pm, at tuwing Sabado mula 8:00am hanggang 7:00pm. 

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa [email protected] o tingnan ang kanilang Facebook Page.

AX Fitness

Ang AX Fitness Ph (Branch 1), ay matatagpuan sa 3rd floor ng OSBoy Building, 9351 Lopez Ave, Los Baños, Laguna, sa harap ng Lopez Elementary School. Ang Ax Fitness (Branch 2) naman ay matatagpuan sa 3rd Flr, Desmark Bldg, National Hi-way, Brgy Maahas. Nagbibigay din sila ng iba’t ibang serbisyo tulad ng Weightlifting, Cardio, Bodybuilding, Boxing, at Circuit Training.

Ang gym ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula 7:30am hanggang 8:00pm, Sabado mula 7:30am hanggang 7:00pm, at Linggo mula 7:30am hanggang 12:00pm at 3:00pm hanggang 8:00pm. 

Para sa mga inquiries, kontakin ang 0918 652 9383 o mag-email sa [email protected], at tingnan ang kanilang Facebook Page.

MA Gym

Bisitahin ang MA GYM Fitness Center na matatagpuan sa Agapita Road, sa likod ng Plaza Agapita, Los Baños, Philippines. Ang kanilang oras ng operasyon ay mula Lunes hanggang Biyernes mula 6:00am hanggang 10:00am at 3:00pm hanggang 8:00pm, at tuwing Sabado mula 1:30pm hanggang 6:00pm. Mga serbisyo: Weights & Cardio, Taekwondo, Fitness Boxing, at Muay Thai. 

Para sa mga inquiries, kontakin ang 0915 792 0667 o mag-email sa [email protected], at bisitahin ang kanilang Facebook Page.

Shape Up Gym

Bisitahin ang Shape Up Gym sa 29 Rizal Street, Baybayin, Los Baños, Laguna, na bukas mula Lunes hanggang Sabado mula 7:00am hanggang 9:00pm. Ang gym ay pinamumunuan ni Coach Gilbert Eusebio at nag-aalok ng mga serbisyo tulad ng Weight Loss, Weight Gain, Strength Training, Flexibility, Personal Training, at Bodybuilding. 

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa 09667988128 o bisitahin ang kanilang Facebook Page.

Power Matrix Gym

Bisitahin ang Power Matrix Gym sa 3rd floor ng Vega Centre Grove, Los Baños, Laguna, Philippines. Ang kanilang oras ng operasyon ay mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00am hanggang 10:00pm, tuwing Sabado mula 8:00am hanggang 8:00pm, at Linggo mula 1:00pm hanggang 8:00pm. Ang gym ay pinamumunuan ni Coach Menk at nag-aalok ng mga serbisyo tulad ng Caveman Training (Weight Loss, CrossFit Training, Circuit Training), Natural Strength (Increase Endurance, Increase Stamina), Body Toning, at Muscle Gain.

Para sa karagdagang detalye, kontakin si Joseph Manzanilla sa 0995 662 5024 at tingnan ang kanilang Facebook Page.

Ripped Muscle Fitness Gym

Ang Ripped Muscle Fitness Gym, na nasa Acacia, Maahas, Los Baños, Laguna, sa tabi ng Mernels/Vulcanizing, ay bukas mula Lunes hanggang Sabado mula 6:30am hanggang 10:00pm at Linggo mula 6:30am hanggang 9:00pm. Ang gym ay pinamumunuan ni Coach Aldrin. Para sa karagdagang impormasyon, maaari silang kontakin sa 0939 327 8505 o mag-email sa [email protected], at tingnan ang kanilang Facebook Page.

Monster’s Gym

Bisitahin ang Monster’s Gym sa 1061 Purok 4, Los Baños, Laguna, na bukas mula Lunes hanggang Sabado mula 9:00am hanggang 9:00pm. Ang gym ay pinamumunuan ni Coach Glenn Cabardo at nag-aalok ng Boxing. Ang membership fee ay P500 para sa isang buwan, P175 para sa isang linggo, at P50 bawat session. 

Para sa iba pang detalye, kontakin ang 0917 794 0363 o mag-email sa [email protected], o tawagan ang 09569134061. Tingnan ang kanilang Facebook Page para sa mga update at karagdagang impormasyon.