Mga nanalo sa BEER Challenge S4 pinarangalan

Ulat ni Cyrille Panisa

Pinarangalan ang mga nagwagi sa male and female categories ng Season 4 ng 100-day Back to Exercise and Eating Right (BEER) Challenge na ginanap sa Jeffrey’s Gym nitong Abril 29, 2024. Ang BEER challenge ay isang balik-alindog program na pinangungunahan ni Jeffrey Ortega, may-ari ng nasabing gym.

Layunin ng BEER Challenge na isulong ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at pagkain ng tama.

Mula Enero hanggang Abril ay inananyayahan ang mga kalahok na ipaskil ang kanilang body transformation sa ‘Los Baños Bodybuilding & Fitness Association’ Facebook group.

Ang nag Champion sa taong ito sa Female Category ay si Justine Olga Bandian at sa Male Category naman ay si Jasper Johns.

Ang mga nanalo ay nakatanggap ng cash prize, trophy, at gift certificates kagaya ng isang taong free pass sa Jeffrey’s Gym.

Nagsimula noong 2020, ang patimpalak ay walang registration fee at lahat ng taga Los Baños ay maaaring sumali.

Narito ang iba pang mga nagwagi:

Female Category

  • First Runner Up – Roi Castro
  • Second Runner Up – Sherly Ortega

Male Category

  • First Runner Up – Mark Russell Potes
  • Second Runner Up – Dnz Cio
  • Third Runner Up – Omeng Vasquez
  • Fourth Runner Up – Rueul Edoria

Iprinisenta nina Jan Trixia Ortega Bandian at Jin Ortega ang mga parangal sa mga nanalo.