Pagtaas ng mga presyo sa Laguna, nasa 9.2% ngayong Oktubre 2026

Nagtala ng 9.2 percent na inflation rate ang probinsya ng Laguna ngayong buwan ng Oktubre 2026. Ito ang probinsyang may pinakamataas ng inflation rate sa rehiyon ng CALABARZON ngayong buwan, batay sa October 2026 CALABARZON Regional Inflation press conference na isinagawa ng Philippine Statistics Office- CALABARZON ngayong araw.

Ang lalawigan ng Laguna ang nagtala ng pinakamataas na inflation rate sa buong rehiyon nitong Oktubre 2026, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority- Regional Office CALABARZON.

Bahagyang mas mababa naman ang inflation rate ng CALABARZON na 7.6 percent kumpara sa national headline inflation rate na 7.8 percent ngayong Oktubre.

Ayon sa ulat ni PSA Regional Director Charito C. Armona, kabilang sa top 5 contributors sa inflation ng CALABARZON ang mga sumusunod: pagtaas ng presyo ng gasolina (51.7% inflation), pamasahe (13.1% inflation), at LPG (46.6% inflation), bigas (15.4% inflation), at bayad sa mga restaurants at cafes (10.1% inflation).

Bukod sa mga ito, nagtala din ng mas mas mabilis na inflation ngayong Oktubre kumpara sa Setyembre 2026 ang mga sumusunod na commodity groups: alcoholic beverages and tobacco; clothing & footwear; housing, water, electricity, gas & other fuels; furnishings, household equipment and routine household maintenance, at information and communication. Nagtala naman ng mas mabagal na inflation ang food and non-alcoholic beverages at health, habang walang pagbabago o constant inflation ang education services; financial services; at recreation, sports and culture.

Sa ibang mga lalawigan at lungsod ng CALABARZON, nagtala naman ng inflation rate na 6.2% ang Batangas; 6.9% ang Cavite, 8.1% ang Rizal; 6.3% ang Quezon; at 7.9% ang City of Lucena.

Samantala, nagtala ng 8.1% inflation ang pinakamahihirap na 30% na mga pamilya sa rehiyon, bunsod ng pagtaas ng presyo ng transportasyon (16.7% inflation) at housing, water, electricity, gas & other fuels (12.2% inflation).

Makikita ang buong datos tungkol sa inflation sa https://psa.gov.ph/price-indices/cpi-ir