Christian School International nagsanay sa campus journ

Ulat ni Philip Cid P. Unigo

Litrato ni Elyzha Eugenio.

Ang mga mag-aaral ng Christian School International (CSI) ay sumailalim sa isang pagsasanay na pinamagatang “Elementary and High School Campus Journalism Workshop Focusing on News Writing” noong Nobyembre 9, 2023.

Ito ay para sa paghahanda ng mga miyembro ng CSI Bulletin, ang school publication ng paaraln, para sa darating na Division Schools Press Conference (DSPC).

Isang mamamahayag sa katauhan ni Miguel Victor T. Durian mula sa Los Baños Times ang nagsilbi tagapagsalita. Tinuruan niya ang mga miyembro ng CSI Bulletin tungkol sa mga pangunahing kasanayan at mga konsepto sa pagsulat ng balita, katulad ng Inverted Pyramid Principle, lead writing, at headline writing.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga mag-aaral ng National Service Training Program-Literacy Training Service (NSTP-LTS) class ni Asst. Prof. Marifi T. Magsino ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) College of Development Communication.