Kuha at Ulat ni: Marco Rapsing.
CALAMBA, LAGUNA— Bilang paggunita sa Araw ng nga Manggagawa ngayong Mayo Uno, ang mga lider-estudyante at progresibong grupo sa Timog Katagalugan ay nagkasa ng isang rehiyinal na kilos protesta sa Calamba Crossing.
Naging sentro ng mga panawagan ang pagbigay diin sa pagtatapos ng extension period para sa konsolidasyon ng mga tsuper ukol sa jeepney modernization program kahapon, ika-30 ng Abril.
Tampok din ang mga opresyon na nararanasan ng mga manggagawa sa iba’t ibang lalawigan ng Timog Katagalugan tulad ng mga pangakong sustentong pinansyal sa mga mantutubo at pasismong nararanasan ng mga kinukulong na miyembro ng unyon.
“Nananawagan din kami ng hustisya sa mga ginawa ni Bongbong Marcos. Ang aming kabuhayan, ang livelihood ng sambayanang Pilipino, ang aming pamamasada, tinanggalan ng prangkisa. Walang mapapala ang mga mamamayan sa pamumuno ni Bongbong Marcos. Kaya ang nararapat sa kanya, i-phaseout. Hindi natin kailangan ng mga imported na sasakyan, ang kailangan natin, rehabilitasyon”. ani Ka Elmer ng STARTER PISTON.
Nakaranas din ng karahasan ang mga tsuper sa kanilang ruta papuntang Calamba mula sa isang mobilisasyon sa Olivarez Plaza kaninang umaga. Na-impound ang isang jeep at pinagbabayad ng multa upang mabawi ito na isa rin sa daing ng mga tsuper sa programa.