Happy National Heritage Month!

Ipinagdiriwang ngayong Mayo ang National Heritage Month na may temang, “Championing Heritage: Capacity Building to Transform Communities.”

Sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ito ay naglalayong kilalanin, pangalagaan, at panatilihin ang mga makasaysayang pamana at pagkakakilanlan ng ating mga ninuno sa susunod na henerasyon. Layunin din ng NCCA na magkaroon ng mga inklusibo at accessible na capacity-building programs para sa sambayanang Pilipino kabilang ang cultural mapping at pagpapanatili ng Philippine Registry of Heritage (PREH).

Ating kilalanin, pangalagaan, at panatilihin ang pamanang sariling atin!

#NationalHeritageMonth2024
#ChampioningHeritage