Produksyon nina Inch Magpayo, Jerome de Jesus, Issa Idnani
Ang UPLB Charles Fuller Baker Memorial Hall ay isa sa mga makasaysayang monumento hindi lang sa Los Baños kundi sa buong Pilipinas. Sa katunayan ay nilagyan ito ng isang historical marker ng National Historical Commission of the Philippines noong 2005.
Itinayo simula noong 1927 hanggang 1938 at ipinangalan sa pangalawang dekano ng dating UP College of Agriculture, ang Baker Hall ay ginawang kulungan o interment camp noong World War 2. Kaya naman samu’t saring urban legends ang pumapalibot dito.
Kaya alamin ang tunay na kasaysayan nito kasama si Asst. Prof Bernardo Arellano III ng UPLB Department of Social Sciences sa unang episode ng UNZIPPED: 4031