No way but UP: Pag-ASCE²ND ng kabataang nangangarap

Ulat nina Mary Esquibel, Joannarose Obdosantos, at Jhona Patriarca

KULMINASYON NG KAALAMAN. Oryentasyon bago magsimula ang mock examination na pinamumunuan ni Elyza Trisha Arceta, pinuno ng ASCE2ND 2026. Sakop ng pagsusulit ang mga kaalaman sa loob ng 6 na linggo. (Jhona Patriarca/LB Times)

“Fortunate ako na mayroon akong opportunity na nakuhang libreng review session kasi hindi sa lahat ng lugar o sa parts ng Laguna ay mayroon ganito. So noong nakita ko ‘yung ASCE2ND ay parang ginawang stepping stone ko siya para mas maging prepared ako for entrance exams.” 

Mailalarawan ni Denzel Yanga, estudyante ng BS Human Ecology ng University of the Philippines Los Baños, na isang oportunidad ang review session na handog ng UP Ana Kalang Society dahil isa siya sa mga mag-aaral noon ng senior high school na walang kakayahang makapagbayad para makapasok sa review center. 

Dahil sa programang ‘Advanced Study for College Entrance Exams for Nagcarlan Denizens’ o ASCE2ND, nagbukas ito ng oportunidad para sanayin ang kanyang kaalaman at makapag-handa sa kasagsagan ng entrance exam season noon. Ito ay programang pinamumunuan ng UP Ana Kalang Society o UP AKS. Isa silang varsitarian organization ng mga mag-aaral na taga Nagcarlan, Laguna ng University of the Philippines Los Baños o UPLB. Layunin ng programang matulungan ang mga estudyanteng senior high school ng Nagcarlan at mga karatig-bayan nito upang makapag-handa sa mga nalalapit nilang college entrance exam. 

Ang mga Nakapasa sa tulong ng Programa

Bukod kay Denzel, sina Kylla Shemaine Coronado at Simeon Sombilla Ricalde ay tatlo sa pumasa sa nakaraang UPCAT at bunga ng programang ASCE2ND noong 2024. Ngayon, sila na ay mga estudyante ng UPLB at naging miyembro ng UP AKS na tumutulong sa mga kalahok ng programang gumabay sa kanila noon. Kasalukuyang sila kumukuha ng iba’t-ibang programa sa nasabing unibersidad. Si Kylla ay kumukuha ng BS Mathematics and Science Teaching at si Simeon sa BS Computer Science.

Para sa kanila, malaking tulong nang sumali sila sa programa sapagkat hindi na nila kailangan gumastos ng malaki para sa pag-rereview at dumayo pa sa malayo dahil isinasagawa lamang ito malapit sa kanilang tirahan.

“..Isa pa [na] malaking bagay [ng programa] is malapit lang siya since municipality lang naman [na malapit sa akin] ‘yung Nagcarlan and then yung venue is within Nagcarlan din so naging efficient din yung pag-join ko sa ganito [na programa],” ani Kylla.

Dagdag pa niya, lahat ng mga natutunan sa mga naging instructor at mga mock examination niya bilang kalahok noon ay ginamit niya mabuti dahil ito lamang ang napagkunan bilang sapat na mga aralin at impormasyon upang sanayin ang sarili bago kunin ang mga college entrance exam.  

Sang-ayon din si Simeon na abot-kamay ang libreng programa para sa mga estudyanteng taga-Nagcarlan at karatig-bayan nito kaya makatutulong ito para sa mga gustong makapaghanda pa sa mga entrance exam na walang inaalalang bayarin. “Halos kasi lahat [na] nakikita ko [na] review center is may bayad and yung mga programang ganito [tulad ng ASCE2ND] libre siya so very accessible sa mga students na gustong matuto or mag-review para sa parating na [college entrance] exam. 

Alamin pa ang Programang ASCE2ND

Sa papalapit na UPCAT ngayong Agosto at sa iba pa mga entrance exam ng unibersidad at kolehiyo ngayong taon, ang mga estudyante ay may iba’t-ibang pamamaraan upang makapaghanda. Pumapasok man sa mga in-person o online review center, o kaya naman ay nagse-self study, mahalagang matugunan ang mga istilo ng pag-rereview na tugma sa mga iba’t-ibang uri ng pangangailangan ng mga estudyante. Ngunit paano kaya kung may mga ilan na wala o kulang sa kakayahang makakuha ng sapat na materyales pang-review at malalayo sa kanila ang mga review center? 

Isang solusyon para dito ang libreng review session katulad ng programang ASCE2ND ng UP Ana Kalang Society o UP AKS na isinasagawa bawat taon simula 2014. Ayon kay Nadine Anareta, mayor o pinuno ng organisasyon, “Free UPCAT Review” ang unang tawag sa programa at pinalitan lamang ito noong 2018 sa kilalang tawag ngayon na ASCE2ND. Isinasagawa tuwing 2nd semester ng academic year, nakakapagsagawa sila ng libreng review session para sa mga mag-aaral na nalalapit na mag-kolehiyo ngunit walang kakayahang makapagbayad sa review center. 

Kabilang sa maaaring kalahok dito ang mga estudyanteng nasa Baitang 11, out-of-school youth ng Alternative Learning System (ALS), at mga nakapasa sa Philippine Educational Placement Test (PEPT) ng Nagcarlan, Laguna at mga karatig-bayan. Ngayong 2026, isinagawa ito sa Plaridel Integrated National High School sa Nagcarlan. Dinadaluhan ito ng mga kalahok sa loob ng 6 linggo tuwing sabado o linggo mula Pebrero hanggang Marso. Base sa curriculum ng UPCAT ang mga asignaturang itinuturo tulad ng Mathematics, Science, Language Proficiency, at Reading Comprehension (Filipino at Ingles), ngunit maaaring gamitin ang mga natutunan sa programa bilang paghahanda sa iba pang mga college entrance examination. 

Ang mga Miyembro ng UP AKS sa Likod ng ASCE2ND

Ang UP AKS ay pinamumunuan ni Nadine Arabel Anareta, kasalukuyang mayor ng organisasyon at si Elyza Trisha Arceta, education and research councilor o committee head ng organisasyon at pinuno ng ASCE2ND 2026. Ipinaliwanag nila ang mga layunin, mga hamon, at kahalagahan ng pagbibigay at pagpapalawak ng mga programang katulad nito. 

Ayon kay Elyza, nagsimula ang ASCE2ND sa layuning isabuhay at gawing basehan ang “guiding principles” ng kanilang organisasyon na “patriotism, service, and excellence.” “..Ano nga ba ang goal ng ASCE2ND? Para mag-deliver ng libreng review sessions sa mga taga Nagcarlan and hindi lang again, review sessions [ang goal], para [din] matulungan sila [ang mga kalahok] na mas ma-enlighten sa kung ano nga ba ang need nila tahakin sa buhay nila. Hindi ito parang i-dictate [sila] na ‘Ah dito ka sa path na ito’ pero para mas mabigyan sila ng autonomous power or para mas magkaroon sila ng proactive role instead of passive role sa mga tatahakin nila sa buhay nila…”

May mga hamon na nakita ang UP AKS kaya inilunsad nila ang programa. Ayon kay Nadine, maraming estudyante at kalahok sa nakaraan at kasalukuyang ASCE2ND ang hindi kayang makapasok sa mga review center dahil sa problemang pinansyal at distansya. “…Sa mga Nagcarlangin napapansin ko, mas priority nila din ‘yung free na [opportunity] instead [na] magbayad sila sa other academic review sessions, ilalaan na lang nila ‘yung oras nila na mag-search kunwari ng mga free review materials o kaya naman, pang baon na lang nila, or kaya naman pang-pamasahe, pang-tuition.”

Dagdag niya, ang programa ay para mabigyan ng oportunidad ang mga estudyante na nasa high school na mas tumaas ang tsansa nila makapasok sa mga pinapangarap nilang unibersidad o kolehiyo. 

Para kay Elyza, ang simpleng pagbibigay at pagsasagawa ng mga programa katulad ng libreng review session ay paninindigan na karapatan ang magandang edukasyon. Dagdag niya pa rito na madalas mahal ang mga review session at malayo sa mga komunidad na nasa probinsya o tagong lugar. Ang libreng session ay nakatutulong sa pagsara ng agwat ng mga estudyanteng may sapat at walang sapat na akses sa mga materyales. Pinapalaki rin nito ang bilang ng mga nakapasa na bahagi ng lokal na komunidad na hindi masyadong nakatatanggap ng sapat na serbisyo. Ito ay bunga ng mga diskusyon kung isang pribilehiyo o karapatan ba ang kalidad na edukasyon at kung dapat bang tanggalin ang UPCAT bilang kwalipikasyon na makapasok sa unibersidad. 

Magandang katuparan kay Nadine ang programa lalo na sa pagpapalawak ng mga katulad nito sapagkat maraming kalahok ang nakapasa at marami ang makakapagsabi kung gaano ka epektibo at nakakatulong para makapasok sila sa mga nais nila na paaralan. Ilan din sa kanila ay naging miyembro pa ng kanilang organisasyon kung saan itinutuloy nila ang serbisyo ng UP AKS at programa nito. “Kaya yearly namin ito ginagawa kasi nagkaroon kami ng fulfillment na mayroon mga highschool students kami na natutulungan and sana ‘yung goal namin na ‘yun is sana mapalawak pa [ang saklaw ng kalahok namin at impluwensiya], and sana mabigyan din kami ng opportunity na kahit hindi lang sa Nagcarlan ‘yung goal namin na target participants, pero sa lahat na interested na kumuha or mag-take ng free review session dahil ito talaga is para talaga sa mga high school student na gusto ipagpatuloy [ang] pag-aaral nila, na gustong makamit pa yung higher education na matutulungan [at matutugunan] namin through these review sessions.”

Kahalagahan ng Programa para sa mga Estudyanteng Kapos ngunit Nangangarap 

Sa datos ni Fred Dabu noong 2025 mula sa opisyal na datos ng University of the Philippines para sa UPCAT 2025, mas malaki ang porsyento ng mga nakapasa galing sa pampublikong paaralan, katumbas nito ay 55%. Samantala, 45% naman para sa pumasa mula sa mga pribadong paaralan. Malaking pagbabago ito sapagkat sa 3 taon nakalipas, maraming nakapasa sa mga pribadong paaralan kaysa sa pampublikong paaralan. Lumaki rin ang porsyento ng mga pumasa sa non-science schools mula sa nakaraang taon. Sa parehong taon, dumbole ang unang henerasyong mga 1st-year college student, ayon ito kay Leia Fidelis Gisela Castro-Margate noong 2025. Pinapakita ng mga datos ang pagdami ng mga estudyanteng pumapasa na hindi kabilang sa pribilehiyo. Ito ay posibleng nangyari sa mga iba’t-ibang pamamaraan at diskarte ng pag-rereview kagaya na lamang ng pagsali nila sa mga programang nakatulong para sa mga estudyanteng mas higit ang ambisyong makatungtong sa kolehiyo. 

Mainam na ang mga programang tulad ng ASCE2ND ay posibleng isagawa sa tulong ng kapwa kabataan at mga may mabubuting puso na nakapaglaan ng kanilang oras, kaalaman, materyales, at iba pang uri ng pag-agapay para sa mga estudyanteng nais makapasok sa mga kilala at pinapangarap nilang unibersidad at kolehiyo. Ang mga pahayag ng mga dati at nakapasa na mga kalahok ay saksi sa kung gaano ka epektibo ang mga programa na natutugunan ang mga problema at pangangailangan ng mga estudyante. Pinapakita rin ng mga kabataan sa likod ng organisasyon at programa kung gaano kalinaw nila nakikita ang mga problema sa lipunan, tulad na lamang ng paglaban para sa kalidad na edukasyon. Ito ay mga dahilan upang ang programang tulad ng ASCE2ND ay nagpapatuloy at naglalayong palapitin sa mga estudyante ang mga ninanais nila makamit sa buhay. 

Mga sanggunian:

UP Ana Kalang Society. [Facebook Page]. Facebook. https://www.facebook.com/UPAKS2014

Castro-Margate, L.F.G. (2025, April 22). UPCAT Results Show Positive Shift Toward Educational Equity. OPA UP Baguio Baguio. https://www.upb.edu.ph/upcat-results-reflect-more-equitable-figures/

Dabu, F. (2025, April 25). UPCAT results show higher number of qualifiers from public schools; UP hikes support for incoming first-year students. University of the Philippines. https://up.edu.ph/upcat-results-show-higher-number-of-qualifiers-from-public-schools-up-hikes-support-for-incoming-first-year-students/