Ulat nina Yesha Carisse Meliton at Alexander Viktor Mendoza
Sa Barangay Batong Malake sa Los Baños, Laguna, nagsisilbing sentro ng komersiyo ang mga maliliit na negosyo sa paligid ng kampus ng University of the Philippines Los Baños (UPLB). Kabilang sa mga ito ang mga lokal na bakery o panaderya na dinarayo ng mga estudyante at residente para sa iba’t ibang tinapay, keyk, cookies, at iba pang sariling gawa ng mga lokal.
Sa dami ng pagpipilian sa bayan, saan nga ba makakahanap ng tatak-LB pastries sa Batong Malake? Narito ang ilang bakeries sa na maaaring bisitahin para sa susunod na meryenda o panghimagas.
Yigo’s Pandesal
Ang Yigo’s Pandesal ay matatagpuan sa Vega Center, Los Baños, Laguna. Bukas ito mula Lunes hanggang Linggo, 4:00am hanggang 8:00pm. Kabilang sa kanilang mga pinakapatok na produkto ang Malunggay Pandesal na nagkakahalaga lamang ng ₱4 hanggang ₱10. Nagbebenta rin sila ng iba’t ibang loaf bread tulad ng monggo loaf at ube loaf. Bukod dito, nag-aalok din sila ng iba’t ibang uri ng pandwiches na maaaring savory o sweet depende sa flavor at palaman.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari silang kontakin sa 09175601932 at sa kanilang Facebook page.
Micha’s Bakeshop
Ang Micha’s Bakeshop ay isa ring lokal na bakery sa Los Baños na kilala sa kanilang mga cake, pastries, at iba’t ibang baked products. Bukas ito mula Lunes hanggang Sabado, 11:00am hanggang 7:00pm. Kabilang sa kanilang mga best seller ang kanilang cookies na nagkakahalaga lamang ng ₱25 hanggang ₱30 at ang kanilang New York cheesecake na nagkakahalaga ng ₱125. Nag-aalok din sila ng cinnamon rolls, éclair, sausage rolls, cheese rolls, at iba’t ibang flavor ng cream puffs na patuloy na tinatangkilik ng kanilang mga customer.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari silang kontakin sa 09474941056 at sa kanilang Facebook page.
Jerico’s Bakeshop
Ang Jerico’s Bakeshop ay isang lokal na panaderya sa Lopez Avenue, Los Baños, Laguna. Bukas ito buong linggo, mula 4:30am hanggang 11:00pm. Ito ay kilala sa kanilang brownies na nagkakahalaga lamang ng ₱20 at banana bread na ₱15. Nag-aalok din sila ng iba’t ibang uri ng tinapay tulad ng pandesal, pande regla, pande coco, spanish bread, at ensaymada na karaniwang binibili bilang pang-almusal o meryenda.
Wildbreads
Ang Wildbreads ay matatagpuan sa Lola J’s, Los Baños, Laguna. Bukas ito mula Huwebes hanggang Lunes, 7:00am hanggang 7:00pm. Pinakakilala ito sa kanilang Basic Sourdough na nagkakahalaga ng ₱180. Nagbebenta rin sila ng iba’t ibang flavor ng croissant at pizza na madalas binibili ng mga residente at estudyante sa lugar.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari silang kontakin sa kanilang opisyal na website.
Ahl’s Cake Shop
Ang Ahl’s Cake Shop ay isang lokal na cake shop na matatagpuan sa Lopez Avenue, Los Baños, Laguna. Ito ay kilala sa kanilang moist choco cake na nagkakahalaga ng ₱190. Nagbebenta rin sila ng iba’t ibang flavor ng cheesecake at cinco de leches na madalas ino-order para sa mga salu-salo at espesyal na okasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari silang kontakin sa 09199998874 at sa kanilang Facebook page.
CARAMELLO House of Caramel Cake
Ang CARAMELLO House of Caramel ay matatagpuan sa Aurora Building, Lopez Avenue, Los Baños. Handog nila ang caramel cake sa iba’t ibang laki. Ang 6-inch round cake ay nagkakahalaga ng P350, habang P1,400 naman ang 12-inch round cake at P1,800 para sa 14-by-18-inch rectangular cake. Mayroon rin silang egg tarts na mabibili sa P280 para sa 6 na piraso. Take-out lamang ang kanilang mga produkto.
Maaaring tingnan ang iba pang detalye sa kanilang Facebook page at makipag-ugnayan sa +49 5485 297 o sa [email protected] para sa mga order.
by Ballsy Bake House
Matatagpuan ang By Ballsy sa El Danda Street, Batong Malake, Los Baños. Bukas sila mula 11:00 a.m. tuwing Lunes hanggang Sabado. Nagsasara sila ng 7:00 p.m. tuwing Lunes hanggang Miyerkules, at 8:00 p.m. tuwing Huwebes hanggang Sabado.
Kabilang sa kanilang menu ang chocolate crinkle, cheesecake cookie, at salted brookie at nabibili sa P50 kada piraso. Mabibili ang fudge brownie, oat & walnut blondie, carrot & walnut bar, burnt cheesecake cup, at apple & cranberry cinnamon muffin sa abot-kayang halaga na nasa humigit-kumulang ₱50 hanggang ₱80 bawat isa. Patok rin ang kanilang iba’t ibang flavor ng bagel tulad ng bagel bomb, onion & garlic bagel bomb, seeded bagel, plain bagel, at everything-on-it na nagkakahalagang P40 hanggang P70.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang kanilang Facebook at Instagram Page. Makokontak rin sila sa 09278537192 at [email protected].
Café Patcakes
Matatagpuan ang Café Patcakes sa Samat Street, Batong Malake, Los Baños, Laguna. Isa itong café na nag-aalok ng iba’t ibang pagkain, inumin, at panghimagas.
Kabilang sa kanilang mga dessert ang cheesecake, tiramisu, at banana pudding. Mayroon din silang iba’t ibang inumin tulad ng tiramisu latte at matcha drinks. Para naman sa mga naghahanap ng hapunan, kabilang din sa kanilang menu ang sisig, beef bulgogi, tuna pesto pasta, at iba pang full meals.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang mga produkto at serbisyo, bisitahin ang kanilang Facebook page.
TomTom’s Cheesecake – Los Baños
Matatagpuan ang TomTom’s Cheesecake sa kahabaan ng Lopez Avenue, Los Baños, Laguna. Nakatuon ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang uri ng cheesecake na maaaring bilhin bilang panghimagas o iuwi para sa pamilya at mga kaibigan.
Kabilang sa mga produkto nila ang classic cheesecake at burnt Basque cheesecake. Para sa mga nais maghanap ng panghimagas, maaari itong maging isang pagpipilian para sa mga mahilig sa cheesecake.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang mga produkto at availability, bisitahin ang kanilang Facebook page.
Liwayway Bakery and Eatery
Matatagpuan ang Liwayway Bakery and Eatery sa Agapita Road, Los Baños, Laguna. Nag-aalok ito ng iba’t ibang tinapay at pagkaing maaaring kainin bilang meryenda o pangunahing pagkain.
Kabilang sa kanilang mga produkto ang sourdough bread, doughnuts, at iba’t ibang uri ng pizza, gaya ng Margherita at pesto mushroom. Mayroon din silang sourdough toast na may hummus at gulay, pati mga bao na may palamang fried chicken o pork floss.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang mga produkto at mga lokasyon, bisitahin ang kanilang Facebook page.
Dalcielo Restaurant & Bakeshop
Matatagpuan ang Dalcielo Restaurant & Bakeshop sa Lopez Avenue. Kabilang sa mga produktong mababanggit mula sa mga online listing at menu nito ang iba’t ibang specialty cake, cheesecake, carrot cake, cream puff, at mga tinapay. Mayroon din itong mga pastry at panghimagas na maaaring ipares sa kape.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang mga produkto, bisitahin ang Facebook page ng Dalcielo.
Spice Jar Donuts and Coffee
Matatagpuan ang Spice Jar sa Lopez Avenue. Bagama’t kilala rin ito sa mga pagkaing Tex-Mex at iba pang lutong pagkain, nag-aalok din ang establisimyento ng mg donut, churros, at iba’t ibang keyk na maaring ipares sa kape. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga produkto at availability, bisitahin ang kanilang Facebook page.
